HomeMALAYvol. 3 no. 2 (1984)

Ang Dekada '70 sa Kasalakuyan

Jun Cruz Reyes

Discipline: History

 

Abstract:

Disyembre noong nakaraang taon inilabas ni Lualhati Bautista ang kanyang premyadong nobela, ang Dekada '70. Naiiba ito kung ikukumpara sa kinagisnang nobela. Una'y nagtangka itong magpa-historikal, na hindi naging paboritong paksa ng mga nobelista at kung paksain ma'y malimit naiiwang tagpuan lamang ang kasaysayan. Hindi rin ito kuwento ng pag-iibigan na wari'y tanging tema na pwedeng isulat sa ngayon. Malaki ang kontribusyon ng nobela sa kasalukuyang literatura, bagamat may mga limitasyon ito at maaari pang pakinisin.