HomeMabini Review Journalvol. 9 no. 1 (2020)

Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Siglo

Jericho Dela Cruz | Oliver Manarang

Discipline: Education

 

Abstract:

Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng kanilang mga ninuno. Ito ang naging inspirasyon ng papel, ang makita ang kulturapananampalatayang mayroon ang mga Kapampangan noong ika-18 siglo sa pamamagitan ng paghimay sa talasalitaan ng Kapampangan na isinulat ni Fray Diego Bergaño (1690-1747). Sa pamamagitan ng kwalitatibong pag-aaral at deskriptibong pagaanalisa, ginamit ang talasalitaan ni Bergaño na unang nailimbag noong 1732 bilang pangunahing teksto ng pananaliksik. Inalam at itinala ang mga salitang makikita rito na may kaugnayan sa relihiyon na umusbong sa panahong iyon. Sa tulong din ng panayam mula sa mga paring Kapampangan at ilang taong maalam sa kultura-pananampalatayang Kapampangan, nakagawa ng naratibo ang mga mananaliksik na nagsilbing tulay sa muling pagsilip sa kultura sa pagdarasal, paniniwala sa mga masasamang elemento at sumpa, pagsasabuhay ng pamahiin, tradisyon sa patay, konsepto sa mga bagay na makikita sa loob at labas ng simbahan, at sanhi ng pagkakasala ng mga Kapampangan sa kasaysayan. [34] MABINI REVIEW | Volume IX (2020) Ipinakita sa kabuuan ng pag-aaral ang transpormasyong naganap sa kultura-pananampalatayang Kapampangan -- mula sa nakaraan tungong kasalukuyan.



References:

  1. Andres, Tomas. 2003. “Understanding Pampango Values” Book 6. A Girrafe Book. Quezon City.
  2. Bergaño, Digeo. 1860. “Vocabulario de Pampango en Romance y Diccionario de Romance en Pampango” Holy Angel University Press (Copyright 2007). Retrieved from https://siwalangsinukuan.files.wordpress.com/2017/05/bergano.pdf
  3. Chua, Michael. (n.d). “Xiao Time: Ako ay Pilipino” Retrieved from https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/550527/ang-prusisyon-ng-nazareno-mula-noon-hanggang-ngayon-ayhindi-biro/story/
  4. Covar, Prospero. 1998. “Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: National Commission for Culture and the Arts” Retrieved from https://www.worldcat.org/title/laranganseminal-essays-on-philippine-culture/oclc/40551281   
  5. Domingo, Eduardo. 2002. “Repleksyon Sa Kasalukuyan At Sa Mga Sinaunang Relihiyon Ng Mga Kapampangan” Retrieved from https://ejournals.ph/article.php?id=1063
  6. Javier, Jem at Amascual, Paolo. 2016. “Pamagdarame” pheepculturalperf.wordpress. Retrieved from https://pheepculturalperf.wordpress.com/2016/10/02/pamagdarame/
  7. Muñoz-Mendoza, Rosita. (n.d). The Kapampangan. Retrieved from https://ncca.gov.ph/about-ncca-3/subcommissions/subcommission-on-cultural-communities-and-traditional-artssccta/northern-cultural-communities/the-kapampangan/
  8. Ordonez, Rudy. 2009. “The Kapampangan Mystique” UST Publishing House. Manila, Philippines.
  9. Pangilinan, Michael. 2013. “Daun at Lasak Dalungdung. Siaula Ding Meangubie (Voice of the Dead)” Retrieved from http://siuala.com/daun-at-lasak-dalungdung/
  10. Panitikan ng Kapampangan. 2015. Filipinoito-Blog. https://crespeabcede.wixsite.com/filipinoito-blog/panitikan-ngkapampangan
  11. Pilipinas ODB. 2020. “Kasalanan: Ugat ng mga problema sa mundo”. https://filipino-odb.org/kasalanan-ugat-ng-mga-problema-samundo/
  12. Salubong. (n.d.). Flickr. https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18047532284
  13. Tantingco, Robby. 2010. “Death and Our Neighbors” Retrieved from http://robbypeanutgallery.blogspot.com/2010/11/death-andour-neighbors.html
  14. Tantingco, Robby. 2015. “10 Things You Need To Know About Kapampangans” Retrieved from http://www.positivelyfilipino.com/magazine/10-things-you-need-to-know-aboutkapampangans
  15. Tantingco, Robby. (n.d). “Romancing the Kapampangan Language” Singsing. Retrieved from https://www.hau.edu.ph/kapampangan_center/publication/pdf/singsing/bergano.pdf
  16. Timbreza, Florentino. 2007. “Tatlong Pandaigdigang Pananaw sa Pilosopiya” Rex Bookstore, Inc. Retrieved from: https://books.google.com.ph/