Mga Kasanayan Sa Pagsulat Ng Sanaysay: Batayan Sa Pagbuo Ng Panukalang Inobasyon Sa Pagtuturo
Zeny D. Aydinan
Discipline: Asian Studies
Abstract:
Ang pagsulat ng sanaysay ay
isang mahalagang kasanayan na
kailangang linangin at aralin ng mga
mag-aaral upang maipahayag nang
maayos ang mga ideya, opinyon, at
karanasan. Subalit, may mga mag-aaral
sa senior high school ay nakakaranas
ng mga hamon sa pagsulat ng sanaysay.
Gayunpaman, ang paggamit ng
makabagong teknolohiya at kakaibang
estratehiya ay makakatulong upang
mapalago ang pagsulat ng sanaysay sa
pagpapatuloy ng de-kalikad na
edukasyon sa mga mag-aaral. Ang pagaaral na ito ay isinagawa upang
makabuo ng angkop na interbensyon
mula sa naitalang estratehiya sa pagbuo
ng sanaysay ng mga mag-aaral. Ang
disenyo ng pananaliksik ay
deskriptibong korelasyunal mailarawan
ang mga estratehiya at kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral. Gumamit
ang mananaliksik ng talatanungan
bilang kagamitan sa paglikom ng datos.
Ipinakita ng datos na may kamalayan at
kakayahan ang mga tagatugon sa
paggamit ng mga estratehiya bago
magsulat, habang nagsusulat at
pagkatapos sumulat. Sa pangwakas na
pagtataya, nalaman na may positibong
ugnayan sa pagitan ng antas ng
kasanayan sa akademikong pagsulat at
mga estratehiyang ginagamit ng mga
mag-aaral sa tatlong yugto ng pagsulat:
paghahanda ng sulatin, aktwal na
pagsulat, at pagkatapos sumulat. Kung
kaya’t, may kamalayan sa iba’t ibang
estratehiya sa pagsulat ng sanaysay at
kaalaman sa antas ng kasanayan sa
pagsulat.
References:
- Amalia Salsabila, Atti Herawati, Istiqlaliah Nurul Hidayati (2020). WRITING STYLE COMPARISON BETWEEN MALE AND FEMALE STUDENTS IN WRITING ARGUMENTATIVE ESSAY. Journal of English Language Teaching and Linguistics Studies DOI: 10.55215/jetli.v3i1.3415
- Amarga, Nalaman na may positibong ugnayan sa pagitan ng antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay at mga estratehiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa tatlong yugto ng pagsulat: paghahanda ng sulatin, aktwal na pagsulat, at pagkatapos sumulat.
- Aragon, Jhoana Marie L. at Balallo, Cecilia L. (2023). Antas sa Kahusayan at Hamon sa Pagsulat ng Sanaysay sa Wikang Filipino”American Research Journal of Humanities & Social Science (ARJHSS) E-ISSN: 2378-702X Volume-06, Issue-10, pp-57-61
- Barlaan, Jeannieve P. at Javier, Cristina L. (2020). Antas ng Kakayahan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Senior High School Gamit ang Teknolohiya. The International Journal of Education, Management and Social Sciences, MultidisciplinaryResearchJournal. Vol. 3, No. 1. https://www.academia.edu/86995186
- Dumlao, D.F. , Ruiz, LJ.O. , Taguba, KA. A. , Battaring, V.R. , Baggay, H.L. , Cusap, KW.B. (2024). The Effect of Outlining to the Organizational Writing Skills of Senior High School Students. Educ Res, 2024, 2 (1), 105-110, doi: 10.5281/zenodo.14190311, ISSN 3062-0201
- Fatimah, S. F., & Suhartono, L. (2021). The Use of Pre-Writing Strategies in Improving Students’ Writing Performance. Journal of English Language Teaching and Linguistics, 6(2), 301–316. https://doi.org/10.21462/jeltl.v6i2.557
- Hyde, J. S. (2021). Gender Differences in Writing: A Meta-Analysis. Journal of Educational Psychology, 113(4), 691-702. https://doi.org/10.1037/edu0000545
- Knight, Melinda (2019). The Pros and Cons of Outlining Before Writing. Sage Journal.Volume 82, Issue 3. https://doi.org/10.1177/2329490619867447
- Loida & Quirap, Erlinda (2024). Challenges and Attitude in Academic Writing: Basis for an Intervention Plan. INTERNATIONAL JOURNAL OF MULTIDISCIPLINARY RESEARCH AND ANALYSIS 07(06). DOI:10.47191/ijmra/v7-i06-14
- Maligalig, Angelica L. at Carada, Imelda G. (2021). (CLOZE PASSAGE SA PAGTUTURO NG FILIPINO AT KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY. American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR); e-ISSN :2378-703X. Volume-5, Issue-9, pp-39-47 www.ajhssr.com.
- Porlas (2023). Natatanging Gawain sa Makrong Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay. International Journal of Research Studies in Education. Volume 12 Number 2, 99-104. https://www.researchgate.net/publication/37084801