HomeHASAANvol. 2 no. 1 (2015)

Padayon sa Paghahasa: Tungo sa Patuloy na Pagharap sa Hamon ng Filipino bilang Disiplina

Jonathan Vergara Geronimo

 

Abstract:

Nag-aanyaya ang ikalawang isyu ng HASAAN Journal na pagnilayan at
harapin ang mga hamon sa pagpapaunlad ng Filipino bilang pambansang wika
at larang ng kaalaman. Matingkad ang pagkiling sa maka-Pilipinong oryentasyon
ng pananaliksik sa mga tinaluntong paksa, lapit at pamamaraan ng mga tampok
na papel sa isyung ito. Makabuluhan ang paraan ng pagtalakay sa mga konsepto
at kaalaman na nakabatay sa interdisiplinal at multidisiplinal na pananaw. May
malinaw na tunguhin ang mga pananaliksik na lumikha ng lokal at pambansang
pagsusuri sa katutubong karanasan at pamimilosopiyang Pilipino, kalagayang
pang-edukasyon, at kasaysayang lokal ng mamamayang Pilipino sa panahon
ng migrasyon at proseso ng inkulturasyon. Naging pangunahing saligan ng
mga papel ang pagsandig sa mga Pilipinong iskolar, pananalig sa mga batis at
dokumentong nagsasaalang-alang sa interes ng paksang sinasaliksik, nagsusuri
batay sa sariling palagay at paghahakang nakabatay sa konteksto at diwang
Pilipino, na pagmumulan din ng mayamang diskurso at aspirasyong pambansa.