Layunin ng papel na itong palitawin ang ilang
tampok ng katangian ng matatawag na “lohika”
ng debateng patula na tinatawag na “balagtasan”
sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong wika at
mga kategorya na ginagamit sa balagtasan. Upang
maisagawa ito, magsisilbing pangunahing batis ng
kasalukuyang pag-aaral ang Jose Corazon De Jesus
at Amado V. Hernandez “Balagtasan sa Lumang
Usapin” (1929). Sa ganitong paraan ay maaaring
mabigyang-linaw ang mga pamantayan para sa
magaling na balagtasista na inilatag ni Lope K. Santos
na “taas ng diwa, linaw ng katwira’t sarap ng salita.”