HomeHASAANvol. 2 no. 1 (2015)

Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014)

David Michael M. San Juan

 

Abstract:

Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum (GEC) alinsunod
sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal na Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bunsod ng nasabing CMO, burado na ang espasyo ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ng mga grupong makabayan sa bansa, nagsasagawa ng konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidad na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, at puspusang gamitin bilang wikang panturo ang wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad ang pagsulong at pagbura sa mga tagumpay ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang 2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan ng malalim na pagsusuri sa mga kaugnay na kontemporaryong polisiya sa panahong neokolonyal. Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa paggigiit ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalim na pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walang ipinag-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulong aandap-andap man ay hindi naman namamatay