Ang naratibong ito ay kuwento ng pagtatangka
ng isang sosyolohista na gumamit ng wikang lokal
at Filipino sa pananaliksik. Layon ng papel na silipin
ang parehong tensiyon at katuturan sa paggamit
ng wikang lokal at Filipino sa pananaliksik bilang
kontribusyon sa pagpapalaganap ng isang uri ng
Sosyolohiya na nagtatangkang kumatawan sa boses
ng mga pinagmulan ng datos. Sa pamamagitan
ng paglalahad ng tatlong maikling kuwento,
intensiyon ng may-akda na buksan ang diskurso
sa kahalagahan ng paggamit ng wikang lokal at
Filipino sa gitna ng hamon na ang mga konsepto at
teorya ng Sosyolohiya bilang disiplina ay madalas
nasa wikang Ingles.