HomeHASAANvol. 1 no. 1 (2014)

Tungo sa Paghitik ng mga Bunga: Isang Sipat sa Kasaysayan ng Pambansang Wika sa Unibersidad ng Santo Tomas

Wennielyn Fajilan

 

Abstract:

Ang Unibersidad ng Santo Tomas ang isa sa mga pangunahing sentro ng karunungan sa bansa. Sa pagtukoy sa ambag ng Unibersidad sa paglinang ng pambansang wika, babagtasin ng sanaysay na ito ang panimulang kasaysayan ng pagtataguyod ng pambansang wika sa Unibersidad ng Santo Tomas na nakatuon sa programang akademiko at pananaliksik mula sa mga punla ng pagsisikap sa unang 70 taon hanggang sa kasalukuyang mga pagkilos at hamon.