HomeHASAANvol. 1 no. 1 (2014)

Mula Tsismis Hanggang Panata: Filipino Bilang Multidisiplinal at Interdisiplinaryong Larangan

Crizel Pascual Sicat

 

Abstract:

Malawak ang hangganan ng paksa ng mga pananaliksik sa unang isyu ng Hasaan Journal, mula sa sosyolingwistikang lapit sa pag-aaral ng varayti ng wika, sosyo-kultural na pagsusuri sa iba’t ibang lokalidad at pagdalumat sa iba’t ibang disiplina. Multidisiplinal ang saklaw upang itanghal ang wikang Filipino bilang midyum ng pagpapakahulugan at pagtuklas sa iba’t ibang larang. Kakikitaan din ng interdisiplinaryong pagdulog ang mga pananaliksik na gumamit ng magkakaugnay na kaalaman sa bawat kasangkot na larang. May pangkalahatang layunin ang mga ito na magdulot ng bagong kaalaman at mas progresibong pagsusuri sa iba’t ibang paksa sa larangan ng Filipino at mga kaugnay na disiplina.