HomeHASAANvol. 2 no. 1 (2015)

Ang Filipino bilang Pundasyon ng Teknikal na Pagkatuto: Panayam kay Prop. James Christopher D. Domingo

Wennielyn Fajilan

 

Abstract:

Kilala ang UST-AMV College of Accountancy bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kolehiyo na nagtuturo ng Accountancy sa bansa. Sa panayam na ito, ibinahagi ni Atty. James D. Domingo, CPA ang kaniyang karanasan sa paggamit ng Filipino bilang wikang teknikal para sa mga kurso ng Basic Accountancy sa Unibersidad ng Santo Tomas. Si Atty. Domingo ay nagtapos ng kaniyang BS Accountancy at Bachelor of Laws mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkaraang magtrabaho sa Sycip, Gorres, Velayo (SGV & Co.) Auditing Firm, nagsimula siyang maglingkod bilang faculty member ng UST-AMV College of Accountancy at Ateneo Gokongwei School of Management. Gamit ang wikang Filipino, nakapaglimbag siya ng limang libro sa Accounting tulad ng Hairy Potter (Accounting Process), Bentahan (Merchandising and Manufacturing), Partnership Accounting at Corporation Accounting. Kasalukuyan itong ginagamit bilang alternatibong sanggunian ng mga estudyante ng Accountancy sa buong Pilipinas.