HomeHASAANvol. 1 no. 1 (2014)

Si Roque Ferriols, Wika, at ang Larong Basketbol

Emmanuel C. De Leon

 

Abstract:

Ang papel na ito ay tumatalakay sa gawaing pilosopikal na iminumungkahi ni Roque Ferriols,
isang paring Heswita, dalubguro, at pilosopo. Sa unang bahagi ng papel, masinsinang inuugat
ang proyekto ng nasabing pilosopo. Nakasentro sa pagmumulat sa halaga ng gawaing pagpapakatao at pagkahiwatig ni Ferriols sa potensyal ng wika ang papel na ito. Sa pagkagising at pagkamulat natin sa reyalidad ng wika bilang tahanan ng katotohanan, kailangan itong itaas sa nibel ng epistemolohiya. Kasama rito ang hamon ng pag-iisip sa gilid-gilid. Sa huling bahagi ng papel, isang matapat na pagtingin sa larong basketbol ang ating matatagpuan upang magbigay ng isang kongkretong praktikum sa uring pag-iisip na inilalarawan ni Ferriols. Penomenolohikal ang pamamaraan. Hindi ito nagnanais na maglagay ng mga ganap na depenisyon, bagkus layunin lamang nitong maglarawan ng uring kaisipan mula sa mga tuwirang sinabi ni Ferriols sa kanyang mga sinulat at sa mga pahiwatig nito.