HomeHASAANvol. 1 no. 1 (2014)

Desposoryo: Katekesis sa mga Mag-iisang Dibdib sa mga Gilid-gilid at Suluk-sulok ng mga Bayan ng Malolos, Paombong at Hagonoy, Bulacan

Arvin D. Eballo

 

Abstract:

Desposoryo ang tawag sa pinakahuling yugto ng proseso ng pamamanhikan para sa mga
ikakasal sa mga bayan ng Malolos, Paombong at Hagonoy, Bulacan. Isa itong ritwal ng pagkakasundo sa pagitan ng mga pamilya na kinasasangkutan rin ng mga tagabaryo. Upang unawain ang kabuluhang kultural ng desposoryo, nangalap ng etnograpikong datos ang mananaliksik sa pamamagitan ng pamamaraang K. Ang pamamaraang K ay nakatuon sa obserbasyon at pakikilahok kaya nakaayon sa
kamalayan at buhay ng mga Tagalog. Nahahati ito sa tatlong hakbang ng panunuri ayon sa:
Katalaan, Karanasan at Kahulugan. Sa pamamagitan nito, isiniwalat ng papel ang mga aral
at epekto ng desposoryo sa mga mag-iisang dibdib; sinuri ang mga kaugaliang Bulakenyo na nakapaloob dito; at pinatunayan kung paanong ang kaugaliang ito ay isang halimbawa ng inkulturadong (inculturation) katekesis na pinagyayaman ang kulturang Tagalog at
Kristiyanong pananampalataya.