Discipline: Psychology
Ang kaalaman tungkol sa kaugalian, pag-iisip, at kalinangan ng tao ay hindi lamang matutunghayan sa pamamagitan ng pagaaral ng sikolohiya o sosyolohiya. Hindi lamang sa pamamagitan ng pananaliksik sa iba't ibang aspeto ng kalikasang-tao (human nature). Matutunghayan din ito sa pamamagitan ng tinatawag na metalingguwistikang pagsusuri (metalinguistic analysis). Ang pamamaraang metalingguwistika (metalinguistic method) ay nakasalalay sa pakiwaring ang wika ay siyang salamin ng pag-iisip at mga pananaw ng mga taong gumagamit nito. Nagkatali-tali ang wika, pag-iisip, kultura, at ang lipunan, kung kaya't ang uri ng pagiisip at kaugalian ng mga mamamayan ay nalalantad sa ginagamit nilang mga salita, mga kawikaan o kasabihan.