HomeMALAYvol. 4 no. 1-2 (1985)

Mga Pagpapahalagang Dapat Angkinin ng Isang Guro

Nenita P. Papa

Discipline: Education

 

Abstract:

Una sa lahat, binabati ko kayo sa inyong walang humpay na pagpupunyagi at patuloy na kasigasigang madagdagan ang taglay nang kaalaman at mapaunlad ang angking kakayahan sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar na tulad nito. Dito pa lamang ay pinatunayan na ninyo ang pagkakaroon ng mga batayang pagpapahalagang sadyang likas sa mga guro - ang sipag at tiyaga. Sapagkat kung hindi natin taglay ang dalawang katangiang nabanggit, marahil ay hindi tayo magtatagal sa gawaing itong nangangailangan ng tunay na dedikasyon at walang hanggang sakripisyo. Lalo pa't kung isasaalang-alang ang sahod na ating tinatanggap sa kasalukuyan para sa ating paglilingkod. Isang katotohanang maituturing sa lahat ng mga propesyonal, tayo ang may pinakamababang kinikita na halos ay hindi sumapat sa ating mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw.