Discipline: Literature
Sa unang malas, hindi gaanong mabigat ang mga problema sa pagtuturo ng panitikan sa Pilipino. Pinakamadalas mabanggit ang kasaklawan ng materyal na pag-aaralan. Paano nga ba maituturo ang buong kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas sa loob lamang ng isang semestre? Paano mabisang mapalilinaw ang ugnayan ng mga anyong-pampanitikan sa kasaysayan sa loob ng napakaikling panahon? Wika nga ng isang guro, "Paano matutumbok ang lahat ng daang tinahak ng ating panitikan?"