Discipline: Literature
Di maipagkakaila na nitong nakaraang taon ay maraming nangyaring napakamakahulugan para sa kasaysayan ng panitikang Pilipino. Kahit na iyong mga di-bihasang sumubaybay sa kasaysayang pampanitikan ay nakapansin na, na tila baga iba ang takbo ng ating panitikan sa panahong ito. Kamakailan lamang halimbawa'y, may dalawang tulang nalathala sa magasing WHO Agosto 8, 1984 na kung titingnan nating mabuti'y, naiiba ang nilalaman at ang anyo. Ang isang tula'y sinulat ni Cirilo F. Baustista. Ito'y pinamagatang "The House, an Elegy," at ganito ang takbo ng mga taludtod.