HomeMALAYvol. 4 no. 1-2 (1985)

Ang Kultura ng Sindak, .. Ang Punong Bonsai at ang Literaturang Pilipino

Jun Cruz Reyes

Discipline: Literature

 

Abstract:

Malimit gamitin ang konseptong ang literatura raw ay tulad ng salamin na nagbibigay ng repleksiyon sa larawan ng lipunan sa panahong ito'y naisulat. Samakatwid, ang imaheng doo'y lumalabas ang katotohanang dapat na nasisilip. Kung gagamitin natin ang konsepto, sa pagtatanong kung ano ang Pilipino sang-ayon sa salamin, agad masasabing ang Pilipino ay ipinanganak na likas na mangingibig, bukod pa sa ibang bagay tulad ng pagiging iyakin.