HomeMALAYvol. 4 no. 1-2 (1985)

Ang Komiks Strip Bilang Salamin ng Sindak at Katotohanan

Loline M. Antillon

Discipline: Psychology

 

Abstract:

Normal at natural ang takot na bunga ng kalikasan at kahinaan ng tao, ayon sa mga sikolohista. Kaya, walang sapat ikabahala kung matakot man ang tao dala ng kanyang limitasyon, kamangmangan o kawalan ng tiwala sa sarili at kapwa, o masindak sa mga puwersa ng kalikasang hindi niya kayang supilin o kalabanin sapagkat maaari naman niyang malunasan o mabigyang katuwiran ang mga ito. Lalo pa nga kung siya, ang kanyang lipunan at kalinangan ay normal, matatag at malusog. Sabi nga ni Franklin D. Roosevelt: "Ang dapat lang nating katakutan ay ang takot mismo."