HomeMALAYvol. 4 no. 1-2 (1985)

Salamin ng Kultura ng Sindak sa Kontemporaryong Maikling Kuwento Pilipino

Pedro L. Ricarte

Discipline: Literature

 

Abstract:

Nasa salitang "kultura" ang kahulugan ng paglinang, ng pagsasanay at pagkatuto, kasarna na ang konotasyon ng pagkapailalim sa mga artipisyal na kondisyon. May pahiwatig, samakatwid, sa praseng "kultura ng sindak" na ang takot ay hindi katutubo ngunit nagbinhi at umunlad, maaaring sa nakasisindak na karanasan o mapanlupig na pakikitungong tinanggap buhat sa ibang higit na malakas at malupit. Ngunit gayon nga larnang kaya? O may iba pang uri ng sindak na sa simula'y kaakibat na ng buhay? O ang lahat ng anyo ng sindak ay may kinauugatang isang pangkalahatang pamulaan, isang primordial na uri ng takot na likas na katambal ng buhay na itong kinagisnan nang sangkatauhan? Kung totoo iyan, natural na ang larawan ng sindak ay tataglayin ng panitikan buhat pa sa panahong ang tao ay matutong magpahayag ng kanyang damdamin at karanasan.