HomeMALAYvol. 7 no. 1 & 2 (1988)

Ang Wika ng Pagpapalaya at Ang Papel ng Akademya

Vivencio R. Jose

Discipline: Languages

 

Abstract:

NAPAPANAHON ang paksa para sa isang bansang naghahangad ng kalayaan at kasarinlan. Angkop na talakayin ang papel ng akademya sa layuning ito dahil sa penomenal na paglaganap ng Filipino sa buong bansa nang nakaraang mga dekada. Noong 1960, may 44.4% lamang ng populasyon ang nagsasalita ng Filipino. Tumaas ito sa 62.2% noong 1975, sa 72.3% noong 1980, at sa 82.9% noong 1985. Sa taong ito, at sa mga susunod pang panahon, maasahang tataas pa ang bilang na ito. Malinaw na kahit na ano pa ang hadlang na ilagay sa pagsulong ng wikang pambansa, magpapatuloy ito sa pagyabong at, ating maaasahan, sa pamumulaklak. Kaya ilang aspekto lamang ng paksa ang tatalakayin dito.