HomeMALAYvol. 7 no. 1 & 2 (1988)

Kabalintunaan: Pangunahing Paksa ng Buhay at Sining sa Mga Piling Kuwento ni Efren Abueg

Loline M. Antillon

Discipline: Philosophy

 

Abstract:

Ang pinakamasidhing balintunay ng ating panahon ay ang kabalintunaan nito. Taliwas na isipin na kung kailan pa naabot na ng tao ang kalawakan at ang buwan at maaari nang maglakbay sa buong mundo sa loob lamang ng ilang oras o araw, kung kailan pa maaari nang palitan ang ibat-ibang bahagi ng katawan ng tao o magpatubo ng tao sa labas ng sinapupunan, kung kailan pa dumagsa ang mga kaalaman kung papaano magkakaisa't magkakaunawaan ang tao't bansa, kung kailan pa malaganap nang nabuwag ang mga matatandang ulnong na umalipin sa tao, malaya nang naihahatid sa bawat sulok ng daigdig ang magandang balita ng kaligtasan at lubhang pinagkakaabalahang maitaas ang uri at antas ng buhay, ay saka matutuklasan ng tao na siya'y nag-iisa, nakabukod sa gitna ng dagat ng sangkatauhan, tila isang nawawalang bulag na hangal na nag-aapuhap sa isang makakapitang gabay gayong dilat na dilat naman ang kanyang mga mata't kaisipan. At, kaalinsabay ng pag-aapuhap na ito ay ang pagsigaw ng mga katanungang ni wala na ngang katapusan ay wala pa ring mga kasagutan. Papaano nga'y "ang nakabalot na saplot ng buhay ay kabalintunaan," ani Jean Paul Sartre. Paliwanag naman ni Albert Camus--