HomeMALAYvol. 7 no. 1 & 2 (1988)

Mga Pananaw Hinggil Sa Mga Tugtuging Tradisyonal ng mga Taga-Kapatagan

Linda R. Bascara

Discipline: Culture

 

Abstract:

 

ANG TUGTUGING bayan ng iba't ibang rehiyon ng kapatagan sa Pilipinas tulad ng balitaw, kundiman, at kumintang ay mga anyong musikal na kinagisnan na at baon na sa ating alaala, kaya hindi na nasusuri ang kalaliman o naaarok kaya ang kahulugan nito. Malimit sabihin na ang mga tugtuging bayang nabanggit ay nakapag-iilaw sa kadiliman ng sinasabing kaluluwa ng mga Pilipino.