Discipline: Education
ISANG doctoral dissertation1 ang nagpalitaw ng mga sumusunod na konklusyon: (1) ang mga executive na Pilipino ay hindi agad-agad umaaksiyon; (2) ang matataas na pinuno ng serbisyo sibil sa Pilipinas ay hindi handang magsakripisyo ng daglian nilang pangangailangan alang-alang sa pangmatagalang pagbangon at paglago ng ekonomya ng bansa; (3) payag ang matataas na pinuno ng serbisyo sibil sa pantay na pakinabang ng lahat sa ekonomya ng bansa kung ang babalikat ng paghihirap nito ay gobyerno at hindi
sila. Sa pangkalahatang konklusyon ay sinabing "walang gaanong maaasahan mula sa ating mga lider-pambansa sa paghahanap at lalo na sa pag-abot sa mga pambansang hangarin ng pag-unlad" (Masa, p. 19).