Discipline: Psychology
Sinasakop ng salitang "kaisipan" sa pagtatalakay na ito ang higit na malawak na pakahulugan sa paniniwala, saloobin at pananaw sa daigdig. Sa ganitong malawakang paggamit, ang "kaisipang Pilipino" ay tumutukoy samakatwid sa katauhan, ugali, at diwang Pilipino. Hindi ko na aangkinin pa ang pagtatalo sa pagitan ng
mentalismo at behabyorismo sa Kanluraning sikolohiya sapagkat sa gamit ko ng salitang "kaisipan" ay tinatanggap ko na ang pagkilos ng tao ay nakaugnay sa kaniyang diwa, ugali, at kaisipan. Ito marahil ang ugat ng insultong "isip lamok" para sa kulisap na kakagat kahit buhay pa niya ang kapalit.