HomeKarununganvol. 8 no. 1 (1991)

Ang Pilosopiyang Pranses Sa Pananaw ng Isang Pilipino

Romualdo E. Abulad

Discipline: Philosophy

 

Abstract:

Ano nga ba ang pilosopiyang Pranses? Sa tanong na ito'y parang itinanong na riD natin: Ano ang Pilosopiyang Aleman? Ang pilosopiyang Hindu? ang pilosopiyang Ingles? ang pilosopiyang Tsino? At, bakit hindi, ang pilosopiyang Pillpino? Subalit sa ganitong katanungan ay nakakubli ang isang pagaakala: na ang bawat lahi ay may sarlling pilosopiya, isang pilosopiya na kaiba sa pilosopiya ng iba pang lahi. Samakatwid, ayon sa ganitong pag-aakala, iba ang takbo ng pag-iisip ng Pranses sa isang Ingles, ng Hindu sa isang Tsino, ng Pillpino sa isang Aleman.

 

Marahil nga'y may sapat na pinanghahawakan ang ganitong pag-aakala. Kung hindi'y bakit tila hindi magkasundo ang mga pilosopong Pranses at Aleman, sa isang dako, at ang mga pilosopong Ingles at Amerikano, sa kabilang dako? Bakit parang malaking lagablab na lumalamon sa buong daigdig ang winika ni Kipling, "East is East, and West is West, and ne'er shall the twain meet"? Bakit kung ating susukatin sa pamantayang ekonomika ay tiIa laging nakalalamang ang puti sa itim, ang dilaw sa kayumanggi? Totoo nga kayang may mga lahing higit na nakaaangat sa iba pang lahi?