HomeHASAANvol. 3 no. 1 (2016)

Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran: Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pilosopikal sa Pilipinas

Emmanuel C. De Leon

 

Abstract:

Bilang tugon sa paniniwalang nasa kahinaan ng wikang pilosopikal ang pagkalugmok ng pilosopiya at pamimilosopiyang Filipino, naglalayon ang papel na ito na makapagambag ng ilang kataga na magagamit sa pakikipagdiskursong pilosopikal. Tinalakay ang ilang fallacies na tinumbasan naman ng bansag na mga “baluktot sa pangangatuwiran” upang pasubalian ang kalimitang pagwawari na hindi maaaring ipahayag sa sariling wika ang mahahalagang aralin sa asignaturang lohika. Ilang mga mungkahing salin ng mga baluktot na katuwiran ang inihahain ng papel bilang patunay na nararapat na kilalanin ang pamimilosopiyang Filipino bilang mahalagang larang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa at sa larangan pagtuturo ng lohika at pangangatuwiran.