HomeHASAANvol. 3 no. 1 (2016)

Preliminaryong Pagsusuri sa Varayti ng Tagalog-Mindoro sa Komunidad Pangwika ng Bongabong

Voltaire Villanueva

 

Abstract:

Kung pag-aaral at pagsusuri ng wikang Tagalog ang pagbabatayan, hitik at sagana ang mga batis na mapag-aaralan at mapaghahanguan ng iba’t ibang kaalaman. Bagama’t may iba’t ibang layon, tuon, at saklaw ang mga naunang gawa, iisa naman ang hangaring papagyamanin ang ating wikang pambansa. Layunin ng pag-aaral na maitala at masuri ang wika sa komunidad pangwika ng Bongabong, Silangang Mindoro. Ipinakita mula sa preliminaryong pananaliskik ang maigting na ugnayan ng wika sa kalagayang panlipunan bilang isang munting hakbang sa pagpapaunlad ng sariling wika.

Pinagsamang etnograpiko at artsibong paraan ang pag-aaral tungo sa pagtatala at pagpapakahulugan sa leksikal aytem. Bunga ng masinop na pagtatala sa varayti ng Tagalog-Bongabong ang pahiwatig sa ugnayan ng wika at kalinangang-bayan.