HomeBinhi: Letran-Calamba Student Research Journalvol. 11 no. 1 (2014)

ANG PAGDALUMAT NG MGA MAGULANG AT ANG KANILANG INAASAHAN SA EDUKASYONG INIHAHAIN NG DAY CARE PROGRAM NG DSWD

Carmela V. Banca | Karen S. Maiquez | Anne Marie P. Roca

Discipline: Education

 

Abstract:

Para saan nga ba ang edukasyon? Ang edukasyon ay para sa lahat. Ang matuto ay mahalaga. Para sa mga pulitiko, kadalasang tinitingnan nila ang edukasyon bilang susi sa pag-unlad ng ekonomiya at ng lipunan.

Upang makatiyak sa pag-unlad ng edukasyon, kinakailangan paunlarin ang lipunan at ekonomiya ng bansa. Ang edukasyon ay kailangang pahalagahan sa paraang makakatulong ang bawat tao, lalaki man, babae, matanda man o bata, para magkaroon ng kaalaman sa kanilang sarili at para umunlad ang kanilang potensiyal sa kanilang sarili bilang tao (Nutbrown, Clough, at Selbie, , 2008).

Isa sa mga pinagdaanan ng mga bata ay ang pagpasok sa Day Care Program na makapagbibigay sa kanila ng karagdagang kaalaman at pundasyon para maisabuhay ang kahalagahan ng mga ito. Ang Day Care Program ay naghahain ng edukasyon para sa mga batang hindi pa pumapasok sa elementarya. Humigit-kumulang sa dalawang oras sa isang araw ang ginugugol ng bata sa pagpasok sa Day Care. Karamihan sa mga batang pumapasok dito ay yaong mga nanggaling sa mga pamilyang may mababang antas ng kabuhayan.

Pinagtuunan ng pansin ng pag-aaral na ito ang pag-unawa ng mga magulang sa kalikasan ng Day Care Program at ang kanilang mga inaasahan dito. Inaasahan din sa pag-aaral na ito na mabigyang-linaw ang mga hindi naipapahayag na saloobin ng mga magulang. Gayundin inaasahan din nitong makapagbigay-daan sa higit na paggpapaunlad ng Day Care lalo na sa aspekto ng pakikibahagi ng magulang sa maagang yugto ng edukasyon ng kanilang anak.

Ang edukasyon na inihahain ng Day Care Program ay nagsisilbing matatag na pundasyon sa mga bata na gustong mag-aral para sa kanilang magandang kinabukasan at sa iba pang serbisyo na inihain ng DSWD. Ito ay nagsisilbi ring gabay sa mga magulang kung paano sila haharap sa kanilang responsibilidad para sa kanilang pamilya