HomeMALAYvol. 15 no. 1 (1998)

NAWAGLIT NA MGA ALAALA NG REBOLUSYONG 1896

Luis C. Dery

Discipline: History, Philippine History, Philippine Revolution

 

Abstract:

SA DINAMI-DAMI NG mga nalimbag na artikulo ngayon tungkol sa Rebolusyon ng 1896, halos walang bumabanggit sa mga iba pang dakilang Pilipino—kagaya ni Heneral Artemio Ricarte— upang linawin at bigyang-diin ang papel na kanilang ginampanan sa makasaysayang panahong ito. Isa sa mga bayaning mabigat ang papel na ginampanan sa Rebolusyon ng 1896 ay si Heneral Artemio Ricarte. Hanggang ngayon ay nananatiling kontrobersyal ang kanyang katauhan dahil na rin sa kakulangan ng mga pagsasaliksik na gumagamit ng mga orihinal na dokumento tungkol sa kanya. Isa na rito ang puna laban sa kanya: na siya ay "nagtaksil" sa Inang Bayan noong panahon ng pananakop ng Hapon dito sa Pilipinas.

Bahagi din ng lektyur kong ito ang ilang interesanteng datos tungkol sa ating Pambansang Bandila, lalo na ang mga orihinal na kahulugan ng mga kulay afhugis sa nasabing bandila na kaibang- kaiba sa kasalukuyang mga kahulugan nito.