HomeMALAYvol. 15 no. 1 (1998)

SI BRO.MIKE BILANG SHAMAN NG GRUPONG EL SHADDAI

Basilio P. Balajadia

Discipline: Religion, Christianity, Christian Living

 

Abstract:

BAGAMAT ANG PILIPINAS ay itinuturing na natatanging bansang Kristiyano sa Asya sa kadahilanang may apat na raang taon nang tinanggap nito ang relihiyong Kristiyano, marami pa ring mapupunang kakulangan sa pag-unawa at pagsunod nito sa ebanghclyo at sa opisyal na simbahan (Lynch 1975). Hindi maikakaila ang pagkarelihiyoso ng mga Pilipino, subalit paano maipaliliwanag ang mga iskandalo ng lubhang kahirapan ng bansa sa harap ng nakakalulang kayamanan ng iilan, ang kabulukan at kawalan ng moralidad ng mga nanunungkulan, ang kawalan ng katarungan sa lipunan lalo na sa mahihirap at naaapi? Ang malaking trahedya ayon sa PCP II ay ang kawalan ng paghubog sa konsycnsyang panlipunan (1991:52). Isa sa maaanng dahilan ng mga ito ay ang tinatawag na split-level personality ng Pilipino (Bulatao 1966) na bunga ng pagkakahalo ng mga elemento ng Kristiyanismo at mga paniniwala at pagpapahalagang katutubo. Sa panlabas at doktrina, Kristiyanong-Kristiyano, subalit sa diwa at kalooban ang katutubong pananaw at kaugalian ang siyang nananaig. Kaya naman adhikain ng simbahan sa kasalukuyan, batay sa panuto ng Mahisterio lalo na sa pamamagitan ng Evangelii Nuntiandi (1975), ang paglilinang sa pagkarelihiyoso ng masa upang ang mga katutubong paniniwala at pagpapahalagang naaayon sa pananaw na Kristiyano ay mapagyaman at yaon namang mga negatibong aspekto nito ay maiwasan. Gaya ng alin mang pag- aaral sa relihiyon ng masa (Galilea 1988:37-38) nangangailangan ito ng lubos at malalim na pag-unawa sa kalooban ng Pilipino.