HomeMALAYvol. 15 no. 1 (1998)

ALAALA SA IKASANDANTAONG KALAYAAN NG PILIPINAS

Genoveva Edroza-matute

Discipline: History, Philippine History

 

Abstract:

LABING-ANIM AT KALAHATING TAON ang pagitan namin ng ikasandantaong kalayaan ng Pilipinas. At ngayon, ang ilang alaalang buhay na buhay pa — na nagpaligaya, nagpalungkot, nagpatiim ng mga bagang, nagpaluha, nagpaluwalhati, nagpapait, ngunit lagi nang nagpapaasa.

Napakababa ang antas ng kalusugan sa kapanahunan ng aking pagkabata. Madalas noon ang epidemva, ang mabilis na pagkalat ng anumang karamdaman, lalo na sa mga bata. Iyon ay sapagkat kakaunti ang mga gumagalang inspektor ng kalusugan na tinawag noong sanidad. At ang isa pang dahilan: itinatago noon ng mga magulang sa sanidad ang mga anak nilang may-sakit dahil sa malaganap na paniniwalang ang mapasok sa pagamutan ay tjyak na namamatay.