HomeMALAYvol. 1 no. 1 (1981)

ANG HUL1NG TAGUBILIN

Teodoro A. Agoncillo

 

Abstract:

Isang katok sa pinto ng silid na kinaroroonan ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang gumising kay Jorge B. Vargas. Noo'y ika-I I ng Setyembre, 1945. Dali-daling bumangon si Vargas na nakapadyama pa upang alamin kung sino ang kumatok. Nang buksan niya ang pinto ay bumulaga sa kanya ang anak niyang si Eddie na may kasamang Amerikanong sa bikes at suot ay nagpapakilalang isang opisyal sa Hukbong Amerikano. Napag-alaman niyang nagliling- kod sa Counter -Intelligence Corps ang nasabing Amerikano. Ka- pagdaka'y ipinatlig kay Vargas ng opisyal ng CIC na kailangan siya ng Heneral. Sinong Heneral? ang naitanong ni Vargas sa sarili. Nagbalik sa kanyang gunita ang mga araw niya sa Malakan-
yang nang siya'y Kalihirn-Tagapagpaganap at kinikilalang kanang kamay ng Pangulong Manuel L. Quezon. Sa ganang makakating- dila, Si Vargas ay "maliit na pangulo" sapagkat ipinagkakatiwala sa kanya ni Quezon ang maseselang gawain, bukod sa siya'y opisyal na kinatawan ng Pangulo sa pagp . apatupad ng mga batas. Noong mga huling taon ng 1930 ay naging kapalaran niyang makadau- pang-palad sina Heneral Douglas MacArthur, Komandante Dwight Eisenhower, at Kapitan Richard Sutherland. Sa digrnaang katata- pos pa lamang, si MacArthur ay puno ng mga hukbong Amerikano sa Dulong Silangan, sarnantalang ang Icanyang hepe ng estado mayor ay Si Heneral Richard Sutherland, anak ng noo'y mahis- trado ng Kataastaasang Hukuman ng Estados Unidos. Si Eisen- hower naman ay puno ng mga hukbong alyado sa Europa na nag- pagupo sa Alemanya ni Adolf Hitler.