Ang mga Manuvu (ito ang tawag nila sa kanilang sarili) ay isang pulangang matatagpuan sa kalagitnaan ng Mindanaw. Sila'y naka- kalat sa tatlong lalawigan ng kanlurang Davao, hilagang-silangan ng Cotabato at timog-silangan ng Bukidnon, bago dumating ang nakaraang digmaang pandaigdig. Ngayon sila'y namumuhay sa bulubundukin ng mga naturang lalawigan, at sa pagitan ng dala- wang ilog na malalaki at mahahaba— ang Pulange na sangay ng Cotabato, at ng Davao sa kanyang kalagjtnaan. Ang unang hang- gahang ilog ay nasa kanluran at ang pangalawa'y nasa silangan. Mg bundok ng Sinaka' ay tila bantayog sa hilaga, at gayon din ang Bundok Apo sa timog, matataas na palatandaan ng hanggahan.