Bagama't personal ang pamamaraang ginamit ko sa paglalahad ng pilosopiya ni Kant, inaasahan kong hindi ito nangangahulugan na ang interpretasyon ko ng pilosopiyang ito ay pansarili lamang. 1 Kung mayroon akong nais na maipagmalaki, ito ay walang iba kundi ang pagtatagumpay kong masundan nang buong katapatan ang nap masasalimuot na kaisipan ni Kant. Utang ko ang kakaya- han kong ito sa pagsasanay na tinanggap ko noong ako ay isang mag-aaral ng pilosopiya pa lamang sa ating bansa. Totoo ngang ang dahilan kung bakit may pagkakaiba ang pananaw ko tungkol kay Kant sa mga kaguro ko sa ibang bansa ay bunga ng uri ng pagtuturo na kinagisnan ko sa Pilipinas. Ito ay isang pagtuturong maka-Pilipino, isang paghuhutok ng murang isip habang ito'y nagsisikap makahayon sa malalawak na hangganan ng kaalaman. Hindi nito alintana ang mga kakulanpng nakasagabal sa landas ng isang Pilipinong mag-aaral. Nagkapalid akong mapailalim sa pagtuturo ng isang gurong nagtulak sa akin upang sikapin kong maunawaan ang mga kaisipan ng kahit na magkakatunggaling mga pilsopiya. Hinamon niya akong bigaran ng malawak na pang-unawa ang iba't ibang mga pananaw na ito, at sa tuwina'y iginlit niyang sundin ko ang mga tuntunin ng obhetibong pananaliksik at iwasan ang katamaran ng pang-araw-araw na diskusyon. Ang bawat pilosopong aking binasa ay naging bukal ng mga sariwang ideya. hang patunay ito Dang malayang satin ng panayam na ginanap noong lka-8 ng Hulyo, 1981 sa Little Theater ng On La Salle University. 1. Ayon kay Polanyi sa kanyang aklat no Personal Knowledge. any lahat at sting kaalarnan ay personal lamang. Subalit ito ay hindi nangangahulugan na ang kaalamm ay hindi obhctibo.