HomeMALAYvol. 1 no. 1 (1981)

TUNGO SA ISANG KASAYSAYANG MAKA-PILIPINO

J. Prospero E. De Vera Iii

 

Abstract:

Sino ang gumagawa ng kasaysayan at para kanino ito? Sa napaka-ikling panahon, mula nang magsimulang magsulat ang mga Pilipino ng sarili nilang kasaysayan, ang mga tanong na ito ang lagi nang isinasaalang-alang ng ating mga historyador — sa mga ginagawa nilang teksbuk ng pangkalahatang kasaysayan, o sa pag-aaral sa particular na lugar o institusyon. Madalas nating marinig ang mga pangalang Teodoro Agoncillo, Oscar Alfonso, at Renato Constantino bilang mga manunulat ng teksbuk. Sina Rosario Cortes at ang kanyang Pangasinan, si John Larkin at ang Pampanga, at nitong hull, Si Reynaldo lleto sa kanyang Pasyon and Revolution — lahat sila ay mga manunulat na nagtangkang gumuhit ng isang bagong direksiyon sa pagsusulat ng kasaysayang naaangkop sa mga pangangailangan ng lipunang Pilipino.