HomeMALAYvol. 1 no. 1 (1981)

ANG DULA'Y PARA SA ENTABLADO

Mira Tan Reyes | Jose Javier Reyes

 

Abstract:

Sa ating dantaon ay masasabing totoong napilay ang ating tradesyon sa dulaan, dulot ng di-maiiwasang kadahilanan. Ang pagsugod ng Kanluran at ang pagkakalatag ng banyagang impluwensiya ang humadlang sa pagbubuo ng mga dulang masasabing tunay na atin lamang. Wala tayong uri ng dulang buhay at laganap sa iba't ibang sulok ng bayan na maaaring maihambing sa mga natatagpuan sa kulturang katulad ng ating mga kapatid sa Asya. Gayunman, hindi ito sapat na argument  upang sabihing wala nang maaaring maging pag-asa o halaga ang dulang Pilipino. Sa katunayan, hindi maipag,kakaila na ang dulang Pilipino ang natatanging porma ng panitikan sa kasalukuyan. Salasalabat ang mga produksiyon na maaaring masaksihan ng mga masigasig na manonood. Bakit? Pagkat kahit nalahiran na ang Pilipino ng impluwensiyang banyaga, nakaya pa rin niyang hubugin ang mga elementong hiniram upang magluwal ng mga dulang Kanluranin ang kaanyuan ngunit tunay na Pilipino naman ang pag-iisip at damdamin.