HomeMALAYvol. 16 no. 1 (2001)

"MATULOG CA NA BYRA" HANGGANG "ISAKSAK MO" 0 KONSIYERTO NI CELERIO 0 WIKA: TALINGHAGA BAGO TUNOG BAGO TUGTOG BAGO TITIK

B.S. Medina Jr.

 

Abstract:

Unang-Unang katotohanan na gagap ng tao tungkol sa tao ang talinghaga. Paniwala sa pagkalalang as tao ng Lumikha, na malayo ang bigkas sa sulat (hagilapin sa guniguni ang tanda, ang simbolo: sa titik, malaki, ngunit tunog lamang unang-una). Katotohanang pinaging totoo sa dama, sa hinagap— ng paniwalang hatid ng talinghaga. At pinaniwalaan ng tao ang katotohanang yaon, dahil sa pananalig sa Unang Mfrigangatha, Unang Manlilikha: sa simula, anya, ay kalawakan at saka karimlan at saka kaliwanagan at saka kasariwaan at saka kaluncian; at buhat sa luwad ay hinubog ang tao at ito'y hinipan (Nino?) at as paniwalang guniguni at gunita at paniwala at pananalig. nabigyan ng buhay. Patuloy ang nags tunog at saka tunog pa, naging tinig: Lalaki. Sicalac, sabi ng Binisaya. Sicavay? Mayroon bang tunog, tinig, na hatid ang unang talinghaga? Ang unang kathang-isip, alinsunod as Paniwala? Hinugot sa tadyang (Nino?). Hugot, hugot sa tadyang ni Sicalac at hiningahan (Nino?) ang hinugot, naging Sicavay (Loarca 1582 sa Blair: 123; Medina 1966:1).