HomeMALAYvol. 16 no. 1 (2001)

ANG KRITIKANG PANDIGMA NI GELACIO GUILLERMO: ISANG SULYAP SA KAMALAYAN NG KRITIKO*

Ma. Teresa Wright

 

Abstract:

Bakit mahalagang pag-aralan ang kritika ni Gelacio Guillermo? May dalawang magkaugnay na dahilan. Una, dahil kung ihahambing siya sa ibang mga kilalang kritikong Pilipino, si Guillermo ay tila nahuhuli sa bahagi ng teorya. Pangalawa, dahil may mahalagang pinanggagalingan, sa tingin ko, ang agwat sa teorya sa pagitan ni Guillermo at ng kapwa niyang mga kritiko, at as agwat na ito makikita ang kabuluhan ng ambag ni Guillermo sa kritikang pampanitikan sa Pilipinas.