HomeMALAYvol. 16 no. 1 (2001)

PAGLAGPAS SA WIKA: ISANG PAGTINGIN SA PAGSASALIN NG THE LAUGHTER OF MY FATHER NI CARLOS BULOSAN

Armi Rosalia A. Zamora

 

Abstract:

HINUHUBOG at pinakikinis ng isang magaling na panday ang isang piraso ng bakal upang magkahugis at maging matalim na sandata. Ang manunulat ay isa ring panday. Kung nababakas sa punyal o espadang natapos ang kakayahan at galing ng isang panday, napapalitaw naman ng pagsasalin ang kakayahan ng isang manunulat sa paggamit ng kanyang wika. Sa pamamagitan ng pagsasalin, nahahayag ang naging paraan ng paghubog at naging angking kaalaman ng isang manunulat sa anumang wika. Lalantad ang partikular na larangan ng kagalingan at kahinaan ng isang manlilikhang manunulat sa pagsasatitik ng kanyang kamalayan at karanasan sa buhay sa pamamagitan ng ginawang pagsasalin.