Nagsimula ang aklat sa Pasasalamat sa mga unang naglathala ng mga kuwento rico, lab o na sa Liwayway, ang iba'y hindi na magunita kung saan at kailan unang lumabas. Isinunod ang Pasakalye ng may-akda. Dito'y binanggit ni Ave Perez Jacob ang pagbabago ng pananaw mula sa mga paslit sa mga unang akda, patungo sa kamalayang sekswal ng tinedyer, hanggang sa sosyo-ekonomiko-political (Marxista), hanggang sa kamalayan ng anak ng isang desaparecido.