NOONG mga nakaraang dekada bago nagrapos ang ikalawang milenyo, may mga nagsabi na ang daigdig ay hindi na aabot pa sa milenyong kasalukuyan (Newsweek, March 27, 2000:29) sapagkac ito ay magugunaw batay sa prediksyon ng mga manghuhula at batay na rin sa mga kahindik- hindik na karanasan ng sangkatauhan noong nakaraang milenyo na mukhang walang ibang hahantungan kundi ang tiyak na kapahamakang pandaigdig. Ilan lamang sa mga karanasang ico ang mga karumal-dumal na krimen ni Hitler laban sa daang libong Hudyo na sukat bansagang krimen laban sa sangkatauhan, ang malawakang paghihirap na idinulot ng una at ikalawang digmaang pandaigdig, ang lubhang mapanirang pagpapasabog ng atomic bomb sa Hiroshima, at ang nakakanerbiyos na paghaharap rig mga armas na nuklear ng mga bansang demokraciko at komunista at ng kanilang mga galamay.