Sa larangan ng panulaang Pilipino. o maging sa panitikang Pilipino sa kabuuan, mababanggit ang pangalang Amado V. Hernandez o si AVH, bilang haligi ng panulaang Pilipino ng kanyang panahon at huwaran ng sinumang makabayang panitikero: mananaysay, mandudula, kwentisca, nobelista, at makata. Bilang makata, ang kanyang mga tula ay punung-puno ng kaisipan at damdaming nakapagpamulac sa sambayanang nakabasa nito.