Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, nararanasan natin ang dalawang bagay na nagagawa ng salamin para sa atin. Una, nasisilayan nacin ang ating sarili. Ikalawa, nabibigyang-linaw at ginhawa ang ating mga paningin. Sa artikulong ito, hiniram ang imahen ng repleksyon at gimamit sa pagtalakay sa mga naunang relihiyon ng mga Kapampangan sa tarlong kadahilanan: Una. matalakay ang naunang relihiyon ng mga Pilipino at nang maliwanagan ang mga naunang paniniwala sa Diyos ng mga Kapampangan. Ikalawa, maunawaan ang paraan ng pakikipagrelasyon sa Diyos ng mga Kapampangan. Ikatlo, maliwanagan kung paano naipagpatuloy sa popular na Katolisismo ang mga pananaw sa Diyos na galing pa sa mga naunang mga relihiyon. Napanatili ba ang mga unang pananalig ng mga Kapampangan o nabago sa pagdaan ng mga panahon?