Mapalad ang mga kabataan ng kasalukuyan: hindi na nila kailangang lumunok ng siling labuyo sa tuwing mahuhuling nagsasalita sa sariling wika, o magmumulta, o mababawasan ng antas sa klase. Hindi na rin nila kailangang magtaob ng magasing Tagalog upang hindi mabansagang “bakya.” Hindi nagmg ganito kapalad ang mga nauna sa kanila. Noon, sa Unang Baitang pa lamang, ang batang biglang masaktan ay hindi makadaraing ng “Aray!” nang hindi makatitikim ng siling labuyo. Rung hindi niya maisip agad ang "Ouchi” kailangang tiisin na lamang niya nang tahimik ang kirot. Kahit natapos na ang Digmaang Pandaigdig II, sa diumano'y malaya nang Republika, patuloy ang digman ng mga wika. Sa isang kilalang dalubhasaan, sinubok ang labanang ito. Sa kanilang buwanang magasin, mabuhay-mamatay ang Pitak ng Sariling Wika. Kung mabuhay man ay isang dangkal at kalahati lamang ang haba at dalawang dali ang lapad. Nagkakapalad silang maragdgan nang bahagya kapag kinukulang ng mailalathala ang naghahanng Ingles; namamatay sila nang walang kabaong kapag iyon ay dumagsa.