Ma. Teresa Wright | Efren R. Abueg | Manolito C. Sulit
Kung may mga nilalang sa mundong ito na dapat Sana ay hindi nawawalan ng oras, na dapat sana ay hindi namamatay, sila'y ang mga manunulat. Hindi masusukat ang halaga sa lipunan ng mga makata't kuwentista dahil sila ang mga tagapag-ingat ng kaluluwa ng bawat kultura, umaambag sa ating pag-unawa sa mundo at sa sarili sa pamamagitan ng sari-saring larawan ng buhay na hinahabi ng kanilang mga salita. Subalic tulad nating lahat, tao lamang ang mga manunulat—tumatanda rin at pagkaraan ay pumapanaw—at kung hindi tayo mag-iingat, papanaw din kasabay nila ang alaala ng kanilang mga kathang-isip at kakaibang pakikipagbuno sa mga hamon ng buhay at panahon.