John Iremil E. Teodoro | Simplicio R. Bisa
Mabisa at simple ang pagkasulat ni Simplicio P. Bisa ng kanyang Iibrong Lagablab: Mga Alaala ng Digma. Ito ang cipo ng libro na parang ayaw mong ibaba ngunit ayaw mo ring tapusin kaagad dahil nakakaaliw basahin. Simple kasi ang lenggwahe nito kaya magaang basahin. Kapag sinabj kong simpleng lenggwahe ay htndi ibig sabihin nito ay nag-Taglish si Bisa upang maging magaan ang kanyang manuskrito. Tagalog ng Batangas ang ginamit ni Bisa subalit kahit hindi ka taga-Batangas ay dalisay at madulas mo pa rin itong mapapakinggan (dahil ang isang piraso ng literatura ay hindi binabasa kundi pinapakinggan) Parang nobela ang pagkayari nitong mga alaala ni Bisa. Maganda at swabe ang mga detalyeng humahaplos sa limang pandama (paningin, panlasa, pandinig, pang-amoy, at pandama) ng mambabasa. Katulad na lamang nitong talata ng paglalarawan ni Bisa sa mga sandaling antok na antok na siya sa kubong nasa gitna ng kagubatan na kanilang pinagtaguan noong panahon ng pananalakay ng mga sundalong Hapon.