Discipline: Education
Para sa isang manunulat, kinakailangang mahusay sa pagâ€oorganisa sa mga detalye ng nais na susulatin dahil sa mga isinusulat masasalamin ang isang kakayahan, kasanayan at kahusayan sa pagpapahayag ng damdamin. Ito ang nagbibigay ng malaking pangangailangang ang magâ€aaral ay matutong sumulat sa paraang malinaw, makabuluhan, kawiliâ€wili, realistiko at nababatay sa katotohanan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong patuloy na mahasa at matugunan ang nagbabagong pangangailangan ng mga magâ€aaral sa bagong henerasyon sa pagsulat ng personal na pagsasalaysay, tula, at ng maikling kwento.
Inalam sa pag-aaral na ito ang bisa ang paggamit ng sanayang aklat sa malikhaing pagsulat.Ang one group experimental design ang ginamit dahil binibigyang-diin ng pamamaraang ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Ginamit din ang palarawang pamamaraan upang malaman ang kabisaan ng mga pamamaraang gagamitin ng mga guro sa pagtuturo ng malikhaing pagsulat sa Filipino. Upang masagot ang mga suliranin t-test for dependent samples ang ginamit.Ang VassarStats: Statistical Computation Website ang ginamit upang eksaktong makuha ang value ng t-test. Upang tanggapin o di tanggapin ang mga nakasaad na hinuha, ginamit ang p-value sa pagbibigay ng interpretasyon. Lumabas sa pag-aaral na mas mabisa ang paggamit ng sanayang aklat sa malikhaing pagsulatayon sa persepyon ng grupo ng tagasagot na may kinalaman sa pagsulat ng personal na pagsasalaysay/sanaysay, tula at maikling kwento.Batay sa kinalabasan ng pag-aaral malaki ang maitutulong ng sanayang aklat upang mapataas ang antas ng pag-unawa, kakayahang mapagana ang ideya, damdamin at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral kung ang mga wastong hakbang o proseso sa pagsulat ay maituturo nang maayos gamit ang angkop na kagamitan na makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral. Iminumungkahi ng pananaliksik na ito na pag-ibayuhin ang pagsasaayos ng mga aralin, pagbibigay ng mas marami pang pagsasanay na lalo pang hahasa sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat at higit sa lahat ang pagpapalimbag ng sanayang akalt na ito na isa sa magiging pundasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral bilang tagapaghubog ng isang matalino, mapanuri, makatao at makakalikasang indibiduwal.