HomeMALAYvol. 29 no. 1 (2016)

Lokal na kasaysayan, Tayabas, Obra Maestrang Filipino, Rizal, Panitikan

Gilbert E. Macarandang

 

Abstract:

Ang prosesong elektoral pagkatapos ng Ordenanzas de Buen Gobierno de 1768 ay inilalarawan sa Circular de Octubre 5 de 1847 kung saan ang mga repormang pampolitikal ay ipinatupad para magkaroon ng balanse ng kapangyarihan sa pamahalaang kolonyal. Ang mga repormang panghalalan ay lubhang nakaapekto sa pagpoposisyon ng kapangyarihang politikal mula sa simbahan at estado. Sinubukan nilang gumamit ng iba’t ibang anyo ng politikal na pagmamaniobra para sa pagtatalaga sa kapangyarihan ng mga kandidatong kaalyado nila. Sapagkat ang halalang lokal ay nag-iisang gawaing politikal kung saan ang mga katutubong elit ay maaaring lumahok, ang posisyon ng pagiging gobernadorcillo ay pinagaagawan na kahit ang kura paroko at gobernador sibil ay nagtutunggalian para sa pagpupuwesto ng kani-kanilang kandidato. Sinusuri ng papel na ito ang estratehiyang politikal na ginamit ng kura paroko, gobernador sibil, at katutubong elit para kontrolin ang politika sa pueblo sa Probinsiya ng Tayabas mula 1848 hanggang 1898.