HomeMALAYvol. 29 no. 1 (2016)

Naufragios: Kronika ng Disastre sa Karagatan, 1565-1815

Efren B. Isorena

 

Abstract:

Ang naufragios o pagkabagbag (shipwreck) ng barko ang isa sa pangunahing pinangangambahan ng mga mamamayan ng Maynila sa panahon ng kalakalang Maynila-Akapulko. Dala ng mga galyong lumayag ang halos buong kabuhayan at pag-asa ng mga kolonistang Espanyol sa Maynila. Kaya naman ang kapalaran ng bawat galyon na lumayag ang siya ring magiging kapalaran ng bawat mamayang kolonista. Bunga nito, naging mahigpit ang mga kautusan para sa kaligtasan ng mga galyon. Sa kabila nito 15 porsiyento ng mga galyong lumayag sa linyang Maynila-Akapulko ang nabagbag sa loob ng 250-taon ng kasaysayan nito. Sa mga kaso ng pagkabagbag, 70 porsiyento rito ay naganap sa karagatan ng kapuluan. Ang masalimuot na kombinasyon ng gawang-tao at kalikasan sa likod ng mga insidente ng naufragios ang dahilan kung bakit mahirap matukoy ang dahilan ng bawat pagkabagbag. Gayunman, ang epekto nito sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ay hindi matatawaran. Para sa mga Espanyol ito ang nagtakda sa pagitan ng karangyaan at pagdarahop. Para sa mga indios na pawang mga sakop ng pamahalaang kolonyal ng Espanya, nangangahulugan ito ng kolektibong paghihirap―sa pagpapanday ng mga galyon at paninilbihan sa paglalayag. Sa kabuuan, malaki ang nagging kontribusyon ng mga kaso ng naufragios sa pagdikta ng naging kapalaran ng kolonya.