HomeMALAYvol. 29 no. 1 (2016)

Pagsusuri sa Lagay ng Distribusyon ng Kita sa mga Rehiyon ng Filipinas gamit ang Sarbey ng Kita at Paggasta ng Pamahayan

John Paolo R. Rivera | Eylla Laire M. Guterrez

 

Abstract:

Ang kahirapan, na nag-uugat sa di-pantay at di-patas na distribusyon ng kita, ay isa sa mga malalang suliraning panlipunan ng Filipinas. Ito ay ipinakikita ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pamahayan na nasa laylayan ng lipunan dahil sa pagbaba ng halaga ng tunay na kita. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng pamamaraan upang mabigyang-linaw pa ang mga kurbang Lorenz na ginamit sa mga pag-aaral nina Jao, Ng, at Vicente; at Aliping, Pizarro, Reyes, at Rivera sa pamamagitan ng pagsukat ng pambansa at pangrehiyong koepisyenteng Gini gamit ang Sarbey ng Pamahayang Kita at Gastos mula taong 2000 hanggang 2009. Ito ay isinagawa upang malaman kung mayroon bang pagbabago sa distribusyon ng kita. Ipinahihiwatig ng mga resuta na mayroong napakaliit na pagbabago sa distribusyon ng kita sa pambansa at pangrehiyong antas. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng pamantayan ang pamahalaan kung paano magsasagawa ng mga programa upang maibsan ang kahirapan.